Home NATIONWIDE Sunog sumiklab sa gusali sa Ermita

Sunog sumiklab sa gusali sa Ermita

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang gusali nitong Miyerkules ng umaga, Abril 2 sa Ermita, Maynila .

Ayon sa Bureau of Fire – National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog ganap na alas-6:39 ng umaga at naideklara 7:20 rin ng umaga.

Kinailangan namang isara ang bahagi ng Mabini Street sa trapiko upang mabigyang daan ang mga rumirespondeng bumbero.

Ayon sa BFP-NCR, dating ginagamit bilang opisina ng recruitment agency ang nasunog na gusali pero ilang indibidwal ang nakatira rito.

Wala namang iniulat na nasaktan o sugatan sa sunog.

Inaalam pa ang dahilan ng pagsiklab ng sunog sa lugar. Ang bilang ng mga bahay at residenteng apektado ay patuloy pang inaalam ng mga awtoridad.

Hindi pa rin naglalabas ng iba pang detalye ang BFP-NCR sa kung magkano ang inabot ng pinsala ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden