Home NATIONWIDE Super El Niño, banta ng baha, tagtuyot sa Pinas

Super El Niño, banta ng baha, tagtuyot sa Pinas

1
0

MANILA, Philippines – Inaasahang makararanas ang Pilipinas ng dalawang yugto ng extreme weather dahil sa 2026-2027 “Godzilla” super El Niño at pagbabago sa Indian Ocean—malakas na ulan at baha mula Hulyo hanggang Setyembre 2026, na maaaring sundan ng matinding tagtuyot mula Oktubre 2026 hanggang Mayo 2027.

Ayon sa pananaliksik ni Dr. Glenn Tabios III ng University of the Philippines, hindi lamang El Niño ang nakaaapekto sa pag-ulan sa bansa. Malaki rin ang papel ng Indian Ocean Basin Wide warming at Indian Ocean Dipole (IOD), na nakaaapekto sa lakas at tiyempo ng Habagat at pag-ulan.

Pansamantalang napahina ng negative IOD ang epekto ng El Niño noong kalagitnaan ng 2026, na nagpalakas sa Habagat at nagdulot ng pagbaha. Ngunit inaasahang magiging positive IOD ito pagsapit ng Oktubre o Nobyembre, kasabay ng peak ng El Niño, na maaaring magpalala sa tagtuyot.

Inaasahang bababa ang pag-ulan ng 40% hanggang 60% sa Luzon at Visayas at 60% hanggang 80% sa Mindanao, na maaaring magdulot ng pagkalugi sa agrikultura, pagtaas ng presyo ng pagkain at kakulangan sa hydropower.

Umabot sa 305 millimeters ang ulan sa Metro Manila at western Luzon noong Agosto 28 hanggang 30, habang tinatayang P6.3 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at P2.2 bilyon sa agrikultura pagsapit ng unang bahagi ng Setyembre.

Inirerekomenda ang mas pinagsamang climate forecasting, flexible water storage, solar-powered irrigation at dagdag na renewable energy upang mapaghandaan ang posibleng biglaang paglipat mula baha patungong tagtuyot. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here