Home NATIONWIDE Suporta sa bagong DOTr chief tiniyak sa Senado

Suporta sa bagong DOTr chief tiniyak sa Senado

MANILA, Philippines- Tiniyak ng ilang senador sa pangunguna ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na makakakuha ng suporta si bagong talagang Secretary Vivencio “Vince” Dizon sa Department of Transportation (DOTr).

Nitong umaga, inanunsyo ng Palasyo ang pagtalaga kay Dizon na epektibo sa Pebrero 21, na dating hepe ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), kung saan pinalitan si outgoing Secretary Jaime Bautista sanhi ng usapin sa kalusugan.

Ipinahayag ni Escudero ang pagbati kay Dizon sa kanyang social media account.

“I congratulate Vince Dizon on his appointment as the new DOTr Secretary! I look forward to working with him in government! I likewise wish Sec. Bautista well and thank him for his service at the DOTr!” wika ng senador

Kasunod nio, ipinahayag din ni Senador Grace Poe ang suporta kay Dizon saka binanggit ang hamon na kinahaharap nito pero maluwag itong umaasa na magagampanan ng bagong kalihim base sa kanyang liderato.

“We want to congratulate Secretary Vince Dizon on his appointment and thank him for taking on such an enormous task at this critical time,” wika ni Poe.

Binanggit ni Poe ang karanasan ni Dizon na maituturing na mahalagang asset sa pagpapasigla ng kinakailangang infrastructure projects at policy improvements sa transportation sector.

“The new DOTr chief can count on our support in bringing relief to our commuting public and lasting solutions to our transportation sector,” ayon kay Poe.

Binati rin ni Poe ang panunungkulan ni Bautista na nagpapasalamat sa kanyang serbisyo at nagpahayag ng good health sa susunod na larangan.

Malugod na tinanggap naman ni Senador Joel Villanueva ang pagkakatalaga kay Dizon base sa mahabang karanasan sa gobyerno na magsisilbing yaman ng ahensya.

Tiniyak niyang makakatuwang niya si Dizon at DOTr sa pagtugon sa pangunahing isyu tulad ng pagsisikip ng daloy ng trapiko, kaligtasan sa transportasyon at infrastructure development, na pawang kritikal sa economic growth.

“We look forward to working with the agency under Secretary Dizon’s leadership, particularly in tackling the country’s traffic challenges, ensuring safe and efficient transport, and advancing transportation infrastructure,” aniya.

Para naman kay Senate Deputy Majority Leader Joseph Victor Ejercito, umaasa itong mapauunlad ni Dizon ang infrastructure at transport modernization sa estilo ng kanyang liderato.

“I congratulate Secretary Vivencio ‘Vince’ Dizon on his appointment as the new Secretary of the Department of Transportation. As a staunch advocate of infrastructure development and transport modernization, I look forward to working with him to fast-track the completion of major projects that will benefit millions of Filipinos,” pagbati ng senador.

Tinukoy pa ni Ejercito ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng pangunahing inisyatiba sa transportasyon kabilang airport modernization, Metro Manila Subway Project, North-South Commuter Railway, Mindanao Railway, at ang PNR South Long Haul.

“These projects will bring a more efficient, modern, and reliable transportation system to our country,” aniya.

Pinasalamatan din niya ang serbisyo ni Bautista na pagkilala sa pagpapalakas ng sistema ng transportasyon sa bansa.

“Having worked closely with him as the one defending the agency’s budget last year, I have seen firsthand his commitment to improving our transport infrastructure. We appreciate his contributions and wish him well – get well soon, Sec. Jaime,” aniya. Ernie Reyes