MANILA, Philippines – Posibleng dahil umano sa “mismatch” sa inventory at demand sa real estate market ng bansa, ang nagiging oversupply ng condominium units sa Metro Manila, na ang surge ay katumbas sa 34 buwan, ayon sa realtor at Filipino Homes founder Anthony Leuterio.
Ani Leuterio, ang real estate sector ng Pilipinas ay humaharap sa “significant challenge of a persistent mismatch between developer inventories and buyer demands.”
Ipinunto niya na mayroong “oversupply of real estate inventory,” partikular na sa Metro Manila.
Aniya, ang problema ay hindi lamang sa kakulangan ng mga buyer kundi sa katotohanan na ang mga proyektong binubuo ay hindi tugma sa kailangan ng mga buyer.
“The market is huge in real estate, but the unmet demands versus the inventory are not matched,” saad sa pahayag ni Leuterio.
Isa pa sa major issue na tinukoy ay ang pag-asa ng industriya sa palyadong market studies.
Karaniwang ibinabase kasi ng mga developer ang kanilang desisyon sa mga data analysis na nakatuon sa kanilang perspektibo, at hindi sa mas malawak na market.
“The problem in the whole country is that they are not looking at the marketing side—the unmet demands,” dagdag pa, sabay sabing “The studies are focused on developers, not on the actual needs of the market.”
Sinabi ni Leuterio na ang ganitong approach ang dahilan kung kaya’t nagtatayo ang mga developer ng mamahaling mga ari-arian sa mga lugar na hindi angkop sa purchasing power ng mga buyer.
Dahil dito ay nanawagan ang realtor sa mga developer na pag-isipang muli ang mga estratehiya sa pagsasaprayoridad ng market research, at pakikipagtulungan sa marketing professionals.
Dapat umanong pag-aralan ng mga developer ang financial capacity ng mga buyer kaysa sa pagpopondo ng mga mamahaling proyekto na nangangailangan ng mataas na recovery costs. RNT/JGC