Home NATIONWIDE Supreme leader ng Iran nangako, nuclear at missile capabilities poprotektahan

Supreme leader ng Iran nangako, nuclear at missile capabilities poprotektahan

96
0

IRAN — Mariing iginiit ng bagong supreme leader ng Iran na si Ayatollah Mojtaba Khamenei na poprotektahan ng bansa ang kanilang nuclear at missile capabilities, sa gitna ng tensyon sa Estados Unidos at nagpapatuloy na negosasyon kaugnay ng digmaan sa Middle East.

Sa pahayag na binasa sa state television, sinabi ni Khamenei na bahagi ng pambansang identidad ng Iran ang mga kakayahang ito at hindi umano ito maaaring isuko sa anumang kasunduan.

“Ninety million proud and honorable Iranians… regard all of Iran’s… nuclear and missile capabilities as national,” aniya.

Nagbitiw rin siya ng matapang na pahayag laban sa Amerika, na aniya’y walang lugar sa Persian Gulf kundi “sa ilalim ng tubig nito.”

Dumating ang pahayag habang patuloy na pinipigil ng US Navy ang paglabas ng mga tanker ng Iran, na nagdudulot ng matinding pressure sa ekonomiya nito at sa global oil supply.

Dahil sa kontrol ng Iran sa Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang humigit-kumulang 1/5 na bahagi ng global oil supply, umakyat sa $126 kada bariles ang presyo ng langis.

Samantala, isinusulong ng Estados Unidos ang isang “maritime freedom construct” upang matiyak ang malayang pagdaan ng mga barko sa naturang ruta, sa tulong ng mga kaalyado nito.

Patuloy ring pinapagitnaan ng Pakistan ang negosasyon sa pagitan ng US at Iran, bagama’t nananatiling malalim ang hindi pagkakasundo sa mga pangunahing isyu gaya ng nuclear program at sanctions.

Sa kabila nito, tila ipinapahiwatig ni Khamenei na mananatili ang kontrol ng Iran sa Strait of Hormuz, bagay na tinututulan ng ilang bansa na itinuturing itong isang international waterway. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here