Home METRO Suspek laglag sa P4.59M shabu sa Lucena

Suspek laglag sa P4.59M shabu sa Lucena

79
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang high-value drug suspect matapos makumpiskahan ng P4.59 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Lucena City nitong Biyernes ng gabi, Mayo 1.

Ayon kay Lt. Col. Ryan Hernandez, Lucena City police chief, naaresto ng mga operatiba ng city drug enforcement unit, at Quezon Maritime Police Station, ang suspek na kinilalang si “Charles,” 31, sa Barangay Ibabang Iyam bandang 7:40 ng gabi.

Napagbentahan ng suspek ng P500 halaga ng shabu ang undercover police sa operasyon.

Narekober dito ang anim na plastic bag at isang sachet na naglalaman ng shabu at may timbang na 225 gramo.

Ayon sa mga imbestigador, nagtatrabaho bilang delivery rider ang suspek bukod sa pagiging tulak nito

Inaalam na ng pulisya ang source ng illigal na droga.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here