Home NATIONWIDE Suspek sa election day shooting noong 2025 sa Negros naaresto na

Suspek sa election day shooting noong 2025 sa Negros naaresto na

83
0

MANILA, Philippines – Naaresto na ng pulisya ang 43-anyos na suspek sa madugong pamamaril noong 2025 elections sa Silay City, Negros Occidental na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng walo iba pa.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Clar,” na No. 1 Most Wanted Person sa Negros Island Region.

Arestado si Clar sa isinagawang manhunt operation sa Purok Paho, Barangay Rizal, Silay City noong Mayo 28.

Ayon sa pulisya, sangkot umano si Clar at kanyang mga kasamahan sa engkuwentro ng magkaribal na political groups noong election period na nauwi sa pamamaril.

Nahaharap siya sa anim na bilang ng frustrated murder at dalawang attempted murder.

Kasama rin sa mga kinasuhan si Barangay Captain Arnie Benedicto ng Brgy. Lantad, Silay City na umano’y pangunahing suspek at nagpositibo sa paraffin test.

Nasa kustodiya pa rin ng CIDG-NIR si Benedicto habang nauna nang naaresto noong Abril ang isa pang suspek na si alyas “Joseph.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here