Home NATIONWIDE Suspek sa pagdukot sa foreign stude pugante – pulis

Suspek sa pagdukot sa foreign stude pugante – pulis

MANILA, Philippines- Tinukoy ang suspek na si Wang Dan Yu alyas Bao Long, na umano’y nasa likod ng pagdukot sa isang 14-anyos na estudyante, na isang puganteng Chinese na wanted sa ilang krimen tulad ng murder, carnapping, ay kidnap for ransom, base sa mga awtoridad.

Ayon sa ulat, namataan si Bao Long sa October 17 shooting sa kapwa Chinese national sa isang restaurant sa Makati.

Kinasuhan siya ng murder noong October 2024, kung saan agad nag-organisa ang Makati Police ng tracker team upang hanapin siya.

Subalit, nakaalis agad siya ng National Capital Region.

“Related sa business, pero dahil napagalaman na parehong mga POGO worker po ang involved, yun po ang nangyari,” pahayag ni Makati Police public information officer Police Captain Jenibeth Artista.

“Wala pong record na nakalabas siya ng bansa,” dagdag ng opisyal.

Kasalukuyang hinihintay ng mga awtoridad ang resolusyon ng kanyang kaso, maging ang nakabinbing carnapping case sa Pasay Police, at iba pang mga kaso sa China.

“Siya po ay isang pugante sa na ilan pong bansa… Involved din sa kidnapping incident, kaya po nasa watchlist po siya ng Bureau of Immigration at meron siyang hold departure order,” giit ni Artista.

Batay sa impormasyon, mula December 2019 ay nasa bansa na si Artista.

Samantala, nasa maayos na kalagayan na ang 14-anyo na kidnap victim matapos sumailalim sa operasyon, at ini-refer na para sa counselling kasama ang kanyang ina.

“He appears much better than the mother. She saw naman the boy is no longer in pain. Sabi niya he’s calmer now,” sabi ni Anti-Crime Advocate Teresita Ang-See.

“He said he feels okay and he doesn’t need counseling, but I told the mother that from our experience, it is better that they seek post trauma counseling as soon as possible for both of them,” dagdag niya.

Nilinaw din ng ina ng biktima na walang koneksyon ang kanyang pamilya sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), at naniniwala umano itong ang kanilang family driver ang tunay na target sa krimen.

“Sabi niya never, never silang merong any connection with any POGO. Sabi niya, It’s really the driver who has [a] connection with the POGO. The way he was killed talagang showed the kidnappers wanted to silence him immediately so that there’s no trace back to them,” ani Ang-See. RNT/SA