Home METRO Suspek sa pagmasaker sa sariling pamilya, arestado

Suspek sa pagmasaker sa sariling pamilya, arestado

203
0

ZAMBALES- Nakorner at nadakip na ng mga awtoridad ang lalaking wanted at pangunahing suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa kanyang asawang doktor, tatlong buwan gulang na anak na babae at kasambahay na nangyari magda-dalawang taon na ang nakaraan sa Sta. Cruz, Zambales, makaraang matunton at masukol ito sa manhunt operation ng pulisya sa Barangay San Vicente, Baguio City.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, kinilala ang naarestong suspek na isang 44-anyos na lalaki na Rank 1 Municipal Most Wanted Person at akusado sa kasong pagpatay sa kanyang asawang doktor, tatlong buwan sanggol at kasambahay.

Matatandaang na noong Disyembre 2024 ay natagpuang patay ang tatlong biktima sa loob ng kanilang tahanan sa Sta. Cruz, Zambales kung saan naging pangunahing suspek ang asawa ng doktora na nagtago matapos umano ang krimen.

Nadakip ang suspek sa masaker sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng korte matapos maispatan at matunton ng mga awtoridad.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here