Home NATIONWIDE P5K graduation incentives sa college grads isinulong sa Kamara

P5K graduation incentives sa college grads isinulong sa Kamara

68
0

MANILA, Philippines – Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na nagsusulong ng pagkakaloob ng ₱5,000 cash assistance para sa lahat ng mga grumaduate ng kolehiyo sa buong bansa.

Ang panukalang inihain ni Navotas City Toby Tiangco ay base sa ginagawa nang programa sa Navotas at bersyon ng Kamara sa Senate Bill No. 1961 na unang inihain ni Senador JV Ejercito.

Ayon kay Tiangco, layunin ng panukalang batas na hikayatin ang mga mag-aaral na tapusin ang kanilang kolehiyo, at kilalanin ang pagsisikap ng kabataang Pilipino.

Higit sa lahat, layon nitong maging paunang pondo ang incentive ng mga bagong nagtapos habang naghahanap ng kanilang unang trabaho.

“Hindi man kalakihan ang halaga ang P5000, malaking simbolo ito ng pagkilala ng gobyerno sa pagsisikap ng ating mga college students at mga magulang. Alam natin na malaki na ang nagastos nila para makapagtapos, kailangan ma suportahan sila habang sila ay naghahanap ng kanilang unang trabaho o habang sila ay nag a-apply para sa mas mataas na edukasyon,” pahayag ni Tiangco.

Target ng pambansang panukala na i-institutionalize o gawing pormal na batas ang ganitong uri ng suporta sa buong bansa upang mas maraming mag-aaral ang makinabang.

“Every diploma earned is a victory not just for the student, but for the entire family. Government should always find ways to encourage education because it remains one of the strongest paths out of poverty,” dagdag pa ng mambabatas. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here