MANILA, Philippines – Tukoy na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa isang Geade 12 student sa isang lodging house sa Toledo City, Cebu.
Nakuhanan ng CCTV mula sa isang establisyimento sa lungsod ang pagpasok ng naturang estudyante at lalaki sa lodging house sa Sitio Sta. Ana sa Brgy. Poblacion.
Napaulat na nag-check in ang dalawa sa naturang lodging house bandang alas-3 ng hapon nitong Huwebes, Setyembre 19 ngunit hindi na nagcheck-out nang sumunod na araw.
Nang puntahan ng room boy at katukin ang kwarto ngunit walang sumagot, kinailangan nang pwersahan nitong buksan ang pinto.
Dito na tumambad ang wala nang buhay ng katawan ng 18-anyos na dalaga na nakahiga sa kama.
Wala na ang kasamang lalaki nito.
Nitong Sabado, Setyembre 21, kinilala ng pulisya ang kasamang lalaki na si Lorben Larot, 43-anyos na tubong Misamis Oriental.
Sa ngayon ay tinutugis pa ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen. RNT/JGC