Home METRO Suspek sa pagpatay sa tserman sumuko

Suspek sa pagpatay sa tserman sumuko

ZAMBOANGA CITY-SUMUKO ang isa sa dalawang suspek na bumaril-patay sa punong barangay, Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Villamor T. Limpalan, 43, isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Barangay Cawit Chairman Selberyo “Beyong” Molina noong Biyernes.

Una nang sumuko si Limpalan sa mga opisyal ng Barangay San Roque para linisin ang kanyang pangalan matapos maisama ang pangalan nito bilang person of interest sa naturang krimen.

Kasalukuyan naman nasa kustodiya ng Ayala Police Station ang suspek at positibo siyang kinilala ng isang saksi.

Sinabi ni Police Col. Alexander Lorenzo, hepe ng Zamboanga City-PNP, na 101 percent kinilala ang suspek ng isa sa saksi at sinabing si Limpalan ang nag maneho ng motorsiklong ginamit sa pagpatay kay Molina.

Ayon pa sa saksi , nakita niya ang suspek sa isang tindahan sa lugar ng pinangyarihan ng krimen na naghihintay sa kapitan ng barangay.

Kalaunan ay nakita siya ng saksi na nagmamaneho ng motorsiklo angkas ang gunman bago ang pamamaril-patay sa biktima.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang hot pursuit operation ng pulisya laban sa isa pang suspek at inaalam na rin ang tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico

Previous article1,692 aftershocks naitala pagkatapos ng M-7.4 Surigao quake
Next articleWPS position ng Pinas posibleng nagtulak sa Tsina sa pagbitay sa 2 Pinoy – analyst