Home HOME BANNER STORY Suspek sa pamamaril sa Paranaque nairita sa ingay ng mga biktima

Suspek sa pamamaril sa Paranaque nairita sa ingay ng mga biktima

181
0

MANILA, Philippines – Matagal nang naiirita sa ingay ng ilan sa mga biktima ang gunman na sangkot sa pamamaril sa isang basketball court sa Marcelo Green, Parañaque City.

Nitong Biyernes ng gabi, Marso 6 ay naaresto ang suspek sa isang condominium unit sa Barangay Moonwalk sa pamamagitan ng hot pursuit operation na isinagawa ng National Capital Region Police Office.

Ayon sa NCRPO at Southern Police District, ang condominium unit kung saan naaresto ang suspek ay pagmamay-ari ng asawa nito.

Anang suspek, matagal na siyang naiirita sa ingay na ginagawa ng isa sa mga biktima na nakatira sa unit sa taas nito.

Inireklamo na niya ito nang ilang beses ngunit hindi pa rin humihinto.

“Nag-iingay ho, tapos nag-iinuman sila roon eh. Nagtatawanan tapos kung anu-ano ang sinasabi,” sinabi ng suspek.

Nang tanungin kung paano niya nalaman na siya ang pinag-uusapan, sinabi nito na: “Kasi po sinasabi nila sa akin na… ‘Yung company namin ang pumatay sa nanay nya.”

Ayon sa pulisya, bumaba muna ang gunman sa unit nito patungo sa basketball court sa oras ng insidente.

Dito niya binaril ang 52-anyos na biktima nang malapitan.

Ang biktima, na iniulat na target ng suspek, ay nanonood ng laro ng basketball nang mga sandaling iyon.

Kalaunan ay pumasok ang suspek sa basketball court at pinagbabaril ang mga taong naroon.

“Kasi po nasa isip ko noon baka pagbabarilin ako, para mag-cover ako sa loob ng basketball court para ‘yung mga taga-roon kung barilin ako, at least meron akong depensa,” sinabi pa niya.

Iimbestigahan ng pulisya kung may posibleng liability ang pamunuan ng condominium kung saan nangyari ang pamamaril at ang security personnel nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here