MANILA, Philippines – Tinanggap na ng Senado ang kautusan ng Office of the Ombudsman na naglalagay kay acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa ilalim ng preventive suspension, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Lunes, Mayo 18.
Nakatakda ring tanggapin ng Senado ang subpoena na humihiling sa closed-circuit television (CCTV) footage kaugnay sa shooting incident noong Mayo 13.
“I just got the report that they have received both the order for preventive suspension and the subpoena on the CCTV footage,” ani Clavano.
Ang kumpirmasyon ay matapos na makita ang dalawang representative mula sa Office of the Ombudsman sa Senado umaga ng Lunes.
Tumanggi namang kumpirmahin ng mga representative kung sila ay dumating sa Senado para isilbi ang subpoena kay Aplasca o para kunin ang CCTV footage sa insidente.
Nitong weekend, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, na tumangging tanggapin ng Senado ang mga subpoena para sa imbestigasyon. RNT/JGC