MANILA, Philippines – Pinatawan ng 30 day suspension ang prangkisa ng Bicol Intercity Transport Cooperative, habang 90-araw na suspensyon naman ang ipinataw sa lisensya ng driver ng trak matapos ang aksidente sa Albay.
Ang kautosan ay inihayag ngĀ Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes.
Nangyari ang road accident sa pagitan ng 10-wheeler truck at ng UV express van sa Maharlika Highway sa Camalig noong Miyerkules ng umaga, na naging sanhi ng 11 na pagkamatay at tatlong nasugatan, ayon sa DOTr.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nawalan ng preno ang trak.
Bumangga ito sa van na galing sa kabilang direksyon, at bumangga sa iba pang sasakyan, ayon sa ulat ng departamento.
Ayon sa DOTr, ang suspensyon ay ipinatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mismong araw na nangyari ang sakuna.
Kinontrol ng LTFRB ang 10 land transportation vehicles ng kooperatiba, na nagsabi na ito ay lumabag sa mga kondisyon ng Terms and Conditions of Certificate of Public Convenience.
Ang mga suspendidong yunit ay sasailalim sa isang roadworthiness test, ayon sa LTFRB.
Samantala, nag-isyu ang Land Transportation Office (LTO) ng show-cause order laban sa driver ng trak na si Recson Zamora at ang nakaregistrong may-ari na si Miguel Cerdeno Zamora na maaaring maharap sa mga kaso para sa reckless driving, ayon sa LTO.
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima si Acting DOTr Secretary Giovanni Lopez na nangako na ang mga responsable ay mananagot.
Sinabi ng LTFRB na ang mga biktima ay mabibigyan ng tulong pinansyal. Jocelyn Tabangcura-Domenden