Home METRO Taal Volcano, nakapagtala ng panibagong phreatomagmatic eruption

Taal Volcano, nakapagtala ng panibagong phreatomagmatic eruption

1
0

BATANGAS, Philippines – Nakapagtala ang Taal Volcano ng isang minor phreatomagmatic eruption, pitong volcanic earthquakes, at anim na volcanic tremors sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naganap ang pagsabog sa Main Crater bandang 6:51 p.m. nitong Biyernes. Umabot sa humigit-kumulang 900 metro ang taas ng plume bago ito tinangay ng hangin pa-silangan. Ito na ang ikatlong phreatomagmatic eruption ng Taal ngayong Hulyo.

Nauna rito, nakapagtala rin ng katulad na pagsabog noong Huwebes na tumagal ng halos dalawa’t kalahating minuto. Noong Hunyo naman, limang phreatomagmatic eruptions ang naitala.

Sa monitoring period, naitala rin ang pitong volcanic earthquakes at anim na volcanic tremors na tumagal mula pito hanggang 96 minuto.

Umabot sa average na 289 metric tons kada araw ang sulfur dioxide (SO₂) emissions. Wala namang naobserbahang volcanic smog (vog) o pag-angat ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Nananatili ang Taal Volcano sa Alert Level 1, na nangangahulugang may mababang antas ng volcanic unrest.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, pamamalayag sa Taal Lake, at paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan dahil sa banta ng biglaang steam-driven o gas explosions, volcanic earthquakes, pagbuga ng abo, at mapanganib na volcanic gases. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here