MANILA, Philippines- Asahan na ng mga kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) ang mas mataas na electricity bills ngayong buwan sa pagpapatupad ng power distributor ng panibagong pagtataas sa household rate nito.
Sa abiso, inanunsyo ng Meralco na itataas nito ang power rate ng 72 centavos per kilowatt-hour (kWh) para sa buwan ng Abril sa gitna ng pag-akyat ng generation costs.
Partikular na tataas ang overall rate ng power distributor ngĀ P0.7226 per kWh, magdadala sa household rate sa P13.0127 per kWh mula P12.2901 per kWh noong Marso.
Mangangahulugan ito ng halos P144 dagdag sa monthly bill ng isang tipikal na kustomer na kumokonsumo ng 200 kWh. RNT/SA