Home HOME BANNER STORY Taas-singil sa SLEx ngayong Nov. 3

Taas-singil sa SLEx ngayong Nov. 3

SLEX via Pinoy Joyride FB Page

MANILA, Philippines — Taas-singil sa toll ang sasalubong sa mga motoristang babiyahe sa at daraan sa South Luzon Expressway (SLEx) mula ngayong Biyernes, Nobyembre 3 matapos ang pagdiriwang ng Undas at pagboto nitong nakaraang eleksyon.

Ayon sa Toll Regulatory Board, ang mga driver na bibiyahe mula Alabang hanggang Calamba ay magbabayad ng karagdagang singil na P10 para sa Class 1 na sasakyan, P20 para sa Class 2 na sasakyan, at P30 para sa Class 3 na sasakyan.

Habang ang mga bumibiyahe naman mula Calamba hanggang Sto. Tomas, Batangas ay magbabayad ng karagdagang P4, P6, at P8 para sa Class 1, Class 2, at Class 3 na sasakyan, ayon sa pagkakasunod.

Habang nananatiling mataas ang inflation, sinabi ng TRB na ang pagtaas ay ipapatupad sa mga tranche.

Ang unang tranche ay magkakabisa sa taong ito, na ang pangalawang tranche ay naka-iskedyul para sa susunod na taon.

Ang nasabing taas-singil ay ang unang periodic toll rate adjustment para sa SLEX simula pa noong 2011. RNT