Home METRO 87 trak ng basura nakolekta sa Undas sa Maynila

87 trak ng basura nakolekta sa Undas sa Maynila

MANILA, Philippines – May kabuuang 87 truckloads o 229 metric tons ng basura ang nakolekta noong panahon ng Undas, iniulat ng Manila City government nitong Huwebes.

Batay sa datos na ibinigay ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuña Pangan, tumaas ang mga nakolektang basura mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 1 kumpara sa mga basurang nakolekta noong nakaraang taon.

Noong 2022, may kabuuang 62 truckloads o 148 metric tons ng basura ang nakolekta.

Ang bilang ay kumakatawan sa Manila North Cemetery na may 34 truckloads o 88 metric tons, habang ang Manila South Cemetery na may 28 truckloads o 60 metric tons.

Una rito, pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga bibisita sa kanilang mga mahal na yumao sa mga sementeryo na itapon ng maayos ang kanilang mga basura at obserbahan ang kalinisan. RNT