Home NATIONWIDE M-5.6 na lindol yumanig sa Eastern Samar

M-5.6 na lindol yumanig sa Eastern Samar

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Eastern Samar nitong Huwebes, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa isang advisory, sinabi ng Phivolcs na tumama ang tectonic na lindol alas-2:50 ng hapon sa lalim na pitong kilometro, mga 76 kilometro sa hilaga ng bayan ng Hernani.

Naramdaman ang lindol sa Intensity V sa mga bayan ng Hernani at Llorente, habang Intensity IV naman ang naramdaman sa mga munisipalidad ng Gen. MacArthur, Balangkayan, Maydolong, Salcedo, gayundin sa Borongan City, lahat sa Eastern Samar.

Intensity III ang naramdaman sa Quinapondan, San Julian, Sulat, Taft, Mercedes, Guiuan, Giporlos, Lawaan at Balangiga, Eastern Samar; at Tacloban City sa Leyte.

Naramdaman ang Intensity II sa Can-avid, Dolores, Oras, San Policarpo; Palo, Tanauan, Dulag, Babatngon, San Miguel, Pastrana, Barugo, Carigara, Tabontabon at Julita, lahat sa Leyte; gayundin ang Basey at Santa Rita, Samar.

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala mula sa lindol, ngunit nagbabala sa mga posibleng aftershocks. Santi Celario