MANILA, Philippines – Simula Hulyo 1, 2025, magkakaroon ng pagbabago sa singil sa tubig sa Metro Manila at karatig-lalawigan bunsod ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) para sa ikatlong quarter ng taon.
May kaunting taas-singil para sa Maynilad customers, habang magkakaroon naman ng kaunting bawas para sa Manila Water customers, batay sa galaw ng piso laban sa dolyar, yen, at euro.
Layunin ng FCDA na mabawi o maibalik ang lugi o kita mula sa foreign currency loans na ginagamit sa water at wastewater infrastructure.
Inaprubahan ito ng MWSS Board nitong Mayo 2025.
Ang FCDA o Foreign Currency Differential Adjustment ay bahagi ng singil sa tubig na ina-adjust kada quarter para isaalang-alang ang galaw ng halaga ng piso kontra sa dolyar, pati na rin ang ibang salik tulad ng bayarin sa utang ng mga water concessionaire na nasa banyagang salapi.
Para sa mga customer ng Maynilad:
🔹 Bagong FCDA rate: -0.64% ng average basic charge na ₱51.40 kada cubic meter
🔹 Katumbas ito ng ₱0.329/cu.m, bahagyang mas mataas ng ₱0.005 mula sa nakaraang quarter na ₱0.334/cu.m
Epekto sa bill ng tubig:
Regular Lifeline Customers:
10 cu.m. o mas mababa:
Dati: ₱181.59 → Ngayon: ₱181.60 (↑₱0.01)
20 cu.m. o mas mababa:
Dati: ₱682.66 → Ngayon: ₱682.71 (↑₱0.05)
30 cu.m. o mas mababa:
Dati: ₱1,394.69 → Ngayon: ₱1,394.80 (↑₱0.11)
Enhanced Lifeline Customers:
Walang dagdag-singil para sa mga kumokonsumo ng 10 cu.m. o mas mababa at may buwanang bill na ₱151.04 pababa.
Para sa mga customer ng Manila Water:
🔹 Bagong FCDA rate: 1.12% ng average basic charge na ₱47.10 kada cubic meter
🔹 Katumbas ito ng ₱0.53/cu.m, bumaba ng ₱0.12 mula sa nakaraang ₱0.65/cu.m
Epekto sa bill ng tubig:
Regular Residential Customers:
10 cu.m. o mas mababa:
Dati: ₱255.04 → Ngayon: ₱254.49 (↓₱0.55)
20 cu.m. o mas mababa:
Dati: ₱563.92 → Ngayon: ₱562.72 (↓₱1.20)
30 cu.m. o mas mababa:
Dati: ₱1,149.66 → Ngayon: ₱1,147.21 (↓₱2.45)
Enhanced Lifeline at Low-Income Customers:
Walang pagbabago sa bill para sa mga kumokonsumo ng 10 cu.m. pababa.
Hinikayat ng MWSS ang mga low-income households, lalo na ang 4Ps beneficiaries, na magparehistro sa Enhanced Lifeline Rate at magtipid sa tubig. Santi Celario