Home NATIONWIDE Tagle itinalagang special envoy to US Eucharistic Congress ni Pope Francis

Tagle itinalagang special envoy to US Eucharistic Congress ni Pope Francis

MANILA, Philippines – Pinangalanan ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kanyang special envoy sa ika-10th National Eucharistic Congress sa United States.

Si Tagle, na pro-prefect ng Vatican ng Dicastery for Evangelization, ang mamumuno sa pagsasara ng Misa ng Eucharistic Congress. Ito ay ipagdiriwang sa Indianapolis mula Hulyo 17 hanggang 21.

Tinawag ni Archbishop Timothy Broglio, presidente ng US Conference of Catholic Bishops, ang appointment ni Tagle bilang isang “regalo” sa Eucharistic Congress, ayon sa CBCP News.

“The congress will give public witness to the Church’s core identity rooted in the Eucharist, and we pray that it will inspire a renewed sense of mission as we live out the gifts of unity and charity,” sabi ni Broglio sa isang pahayag.

“May it be the catalyst for a continued deepening of our faith in the Real Presence,” dagdag pa.

Ayon sa CBCP, ito ang magiging unang National Eucharistic Congress sa US sa 83 taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden