Home NATIONWIDE Taiwan kinondena ng China sa aksidente sa bangka

Taiwan kinondena ng China sa aksidente sa bangka

CHINA – Kinondena ng China ang mga awtoridad sa Taiwan nitong Miyerkules, Pebrero 14 matapos na masawi ang dalawang Chinese nationals sa aksidente sa bangka na pinangangasiwaan ng Taiwan coast guard.

Sa ulat, sakay ng bangka ng China ang apat katao nang lumubog ito malapit sa Kinmen Islands, dahilan para magtalunan ang mga sakay nito sa dagat.

“The malignant incident severely harmed the feelings of compatriots on both sides of the Taiwan Straits,” pahayag ni Zhu Fenglian, spokesperson ng Taiwan Affairs Office ng China.

Hinimok ng Beijing ang mga awtoridad sa Taiwan na agarang imbestigahan ang insidente.

Sa pahayag ng Coast Guard Administration ng Taiwan, nadiskubre nila ang hindi pa tukoy na speedboat nitong Miyerkules ng hapon sa Kinmen Islands na, “0.86 miles nautical miles within prohibited waters”.

Taiwan ang nakasasakop sa Kinmen, ngunit ang pinakamalapit na lugar dito ay ang Xiamen, China na limang kilometro lamang ang layo.

“During our law enforcement process, the mainland boat accidentally capsized and four mainland crew members fell into the sea,” sinabi ng coast guard, sabay-sabing agad na inilunsad ang search-and-rescue operations.

Nasagip ang dalawang crew member habang ang dalawa ay nasagip na walang malay.

“They were sent to hospital for emergency treatment which was ineffective,” dagdag pa sa pahayag.

Ang insidente ay kasunod ng tensyon sa pagitan ng China at Taiwan. RNT/JGC

Previous articleHontiveros may babala sa mga disipulo ni Quiboloy: Don’t deceive Senate
Next articleSuspected Al-Qaeda financier, ISIS supporter arestado sa Sulu