MANILA, Philippines – May alok na 180,000 trabaho para sa caregivers ang Taiwan para sa mga Pinoy workers sa loob ng susunod na limang taon.
Sa nakalipas na taon, bumababa umano ang mga aplikanteng Pinoy sa Taiwan para sa caregivers.
Ito ay dahil na rin umano sa kasalukuyang regulasyon ng Department of Migrant Workers (DMW), na kasama ang caregivers bilang household service workers sector.
Ang mga caregivers ay mahigit P20,000 ang suweldo kada buwan at bawal mangolekta ng mga fees ang mga recruitment agency.
Umapela naman ang Association of Licensed Recruitment Agencies, sa DMW na baguhin ang klasipikasyon ng caregivers bilang semi-skilled workers. Jocelyn Tabangcura-Domenden