Home NATIONWIDE “Takbo Kalikasan Ternate 2025” sa March 2

“Takbo Kalikasan Ternate 2025” sa March 2

Cavite, Philippines- Gaganapin ang kauna-unahang environmental awareness Fun Run event na “Takbo Kalikasan Ternate 2025” sa  darating na Marso 2, 2025 sa Ternate Municipal Town Plaza papuntang Puerto Azul trail  mula alas-4:30 ng umaga.

Katuwang ng Akbay Kalikasan Environment Society Management Inc. (AKESMI), isang rehistradong volunteer organization sa probinsya ng Cavite, ang lokal na pamahalaan ng Ternate, Cavite sa pangunguna ni Mayor Lamberto Bambao sa adbokasiya na protektahan ang inang kalikasan sa komunidad lalo’t higit sa probinsya ng Cavite.

Ayon kay Prof. Julio Castillo, environmental advocate sa Cavite, ang Fun Run for the Environment ay ilan lamang sa mga proyekto ng AKESMI, tulad ng coastal bay clean up, eco-gardening, zero waste at source series of seminars at Tree Planting and Nurturing activity kasama ang mga volunteer mula sa homeowners association, military, Cavite Varsitarian, LGUs at civic organizations.

Tampok dito ang 10 km, 5km at 3km na karera mula sa Plaza ng Ternate hanggang sa pinanabikan na uphill-downhill challenge na pihadong kagigiliwan ng mga mananakbo. RNT