Home NATIONWIDE Tangkang panggugulo ng NPA sa BDP projects epal lang-DILG

Tangkang panggugulo ng NPA sa BDP projects epal lang-DILG

Manila, Philippines- Hindi nababahala ang Department of Interior and Local Government sa mga panggugulo ng mga kakaunti nang natitirang New People’s Army sa mga liblib na barangay na pinaglaanan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ng pondo bilang Barangay Development Program.

Sa isinagawang ‘virtual’ na pulong-balitaan ng NTF-ELCAC, sinabi ni Rene Valera, DILG Director of the Office of Project Development Services, hindi na magagawa pa ng mga NPA na makapanggulo nang matagal dahil sa unti-unting pagkaubos ng kanilang hanay, bunga ng ginagawa ng task force na pagyamanin ang mga barangay na dati nilang pinamumugaran dahil sa BDP.

“Nagpaparamdam na lang,” ang sabi ni Valera na pinatutukuyan ang mga panggugulo ng NPA para bumagal ang oagpapatupad ng BDP sa mga barangay sa mga kanayunan at iba pang malalayong lugar.

Sabi ni Valera, sampu sa panggugulong ginawa ng NPA ay malalapit sa mga barangay na dapat ay may naumpisahan nang mga proyekto galing sa BDP. Ang mga Ito ay nangyari sa mga liblib na barangay ng Misamis Oriental, Catanduanes, Ilo-ilo, Antique at Negros Occidental. Pilit na nakikipaglabanan sa mga tropa ng pamahalaan para lang mapigilan ang pag-usad ng pag-iimplementa ng BDP.

Tinutukoy ni Valera ang natitirang 22 NPA guerilla fronts na sa pagtaya ng militar ay hanggang sa Disyembre na lang at magsisisuko na rin gaya ng kanilang kasamahan na nagbalik-loob na dahil naunawaan na ang talagang layunin ng NTF-EL AC sa BDP.

Ang tanggapan ni Valera ang siyang ‘nagmomonitor’ kung ang BDP ay talagang napakikinabangan ng mahihirap na barangay na dating pinipeste ng mga NPA.

Inihalimbawa ni Valera ang BDP para sa taon kasalukuyan kung saan halos 90% na ng budget ng BDP ay nails as na ng Department of Budget and Management at Naipaul sa local executives ng mga munisipalidad at rehiyon upang ibigay sa mga napiling barangay na makatatanggap ng BDP.

“Hindi lumalapag ang pondo ng BDP sa NTF-ELCAC. Ito ay ibinababa sa mga munisipalidad o rehiyon na may mga barangay na napili ang task force para bigyan ng BDP upang umangat ang kanilang mga kabuhayan,”paliwanag ng DILG official.

Sa BDP, ang mga residente ng barangay ang pumipili kung ano ang uunahin nilang proyekto na angkop sa budget ng kanilang BDP. Maaari itong I pampagawa ng kalsada (farm-to-market road), silid-aralan, pang-kalusugan o pang-kabuhayan.

Nang simulan ito ng NTF-ELCAC noong panahon ng administrasyong Duterte, ang pondo ng BDP para sa kada barangay ay P20 milyon. Ngunit binawasan Ito kalaunan ng Kongreso at Senado at ibinaba sa anim na milyong piso na lamang.

Ganun pa man, ang kakaunting bilang ng NPA, ayon kay Valera, ay gumagawa pa rin ng panggugulo upang masira o maantala ang pagpapatupad ng BDP na hindi naman hinahayaan ng mga puwersa ng militar na mangyari, habang patuloy naman ang NTF-ELCAC sa pagpapaliwanag sa ating mga kababayan na ‘di dapat paniwalaan ang mga maling itinuturo ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. RNT