Home METRO Tanod niratrat ng bala habang nagpapahinga sa Pangasinan

Tanod niratrat ng bala habang nagpapahinga sa Pangasinan

CALASIAO, PANGASINAN — Pinagbabaril at napatay ang isang barangay tanod habang nagpapahinga sa papag sa Barangay San Miguel, Calasiao, Pangasinan, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Michael Mararac, 44-anyos.

Ayon sa pamilya ng biktima, wala silang alam na kaaway ni Mararac, dahilan kung bakit nananatiling blangko ang motibo sa krimen.

Patuloy na nananawagan ang anak ng biktima na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang ama.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga responsable sa pamamaril at ang posibleng motibo sa pagpatay. RNT