Home HOME BANNER STORY Tapyas-presyo sa LPG sasalubong sa Hulyo

Tapyas-presyo sa LPG sasalubong sa Hulyo

MANILA, Philippines – Tatlong malalaking kumpanya ang magpapatupad ng price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) at auto LPG sa Hulyo 1, 2023.

Babawasan ng Petron ang presyo ng LPG nito simula 12:01 ng umaga ng P3.70 kada kilo at ang auto LPG nito ng P2.07 kada litro.

Inanunsyo rin ng Phoenix LPG Philippines, Inc. ang pagbaba sa presyo ng kanilang Phoenix Super LPG ng P3.70 kada kilo at auto LPG ng P2.05 kada litro simula 12:01 a.m.

Sinabi rin ni Solane na ang LPG brand nito ay magbawas sa presyo nito ng P3.73 kada kilo simula alas-6 ng umaga.

Sinabi ng Petron na ang presyo ng LPG ay sumasalamin sa international contract price ng mga bilihin para sa Hulyo. RNT

Previous articleMay nanalo na ng P366-M Ultra Lotto jackpot!
Next articlePinoy Henyo, ginaya ng EB, nagpalit-pangalan!