Home NATIONWIDE ‘Task Force KKK sa Halalan’ binuo ng Comelec

‘Task Force KKK sa Halalan’ binuo ng Comelec

MANILA, Philippines- Bumuo ang Commission on Elections (Comelec) ng Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan (Task Force KKK sa Halalan) na naatasang pangasiwaan ang pagpapatupad ng mga alituntunin, pagrepaso sa registration forms, validation, pag-apruba at pag-endorso sa Commission en banc.

Inaatasan din itong subaybayan ang mga rehistrado at hindi rehistradong social media at mga online na account o website na ginagamit upang mag-endorso o mangampanya laban sa mga kandidato, partidong politikal/koalisyon, mga organisasyong party-list; mag-isyu ng show cause order, at paunang pagsisiyasat ng mga nakita o naiulat na mga ipinagbabawal na gawain sa ilalim ng mga alituntuning ito; motu proprio na paghahain ng mga reklamo laban sa mga nagkakamali na kandidato, partido, indibidwal, at iba pang entity.

Pamumunuan ang task force ng mga pinuno ng EID at Law Department ng Comelec bilang chairperson at co-chairperson, ayon sa pagkakabanggit.

Idinagdag ng Comelec na ang election period para sa 2025 midterm election ay mula Enero 12 Hanggang Hunyo 11,2025.

Ang panahon ng kampanya para sa pambansang posisyon (senador at party-list group) ay magsisimula sa Peb. 11, 2025 at tatakbo hanggang Mayo 10, 2025.

Ang mga aktibidad sa kampanya ay ipinagbabawal sa Abril 17, 2025 (Maundy Thursday) at Abril 18, 2025 (Biyernes Santo) .

Ang panahon ng kampanya para sa mga miyembro ng House of Representatives, parliamentary, provincial, city, municipal officials ay mula Marso 28, 2025 hanggang Mayo 10, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden