Home METRO Tatay isinelda sa pagdalirot sa sariling anak

Tatay isinelda sa pagdalirot sa sariling anak

ANTIPOLO CITY — Isang 35-anyos na lalaki ang inaresto matapos umano nitong gahasain ang kaniyang menor de edad na anak, ayon sa ulat ng Antipolo City Police.

Kasama ang akusado sa most wanted persons list ng lungsod.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente noong Oktubre 3 at 4, 2024 sa mismong bahay ng mag-ama. Sa pangalawang tangka, nakatakas ang 14-anyos na biktima at agad humingi ng tulong.

Agad namang nagsampa ng reklamo ang tiyahin ng dalagita. Samantala, itinanggi ng akusado, na kinilala sa alyas “Butchok,” ang paratang. Aniya, hindi niya ginalaw ang anak at pinalabas lamang ang istorya para makuha ang sustento mula sa ina ng biktima na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa custodial facility ng Antipolo City Police at nahaharap sa kasong qualified rape at attempted qualified rape. RNT