Home NATIONWIDE Grains terminal, trading project sa Batangas City pinasinayaan

Grains terminal, trading project sa Batangas City pinasinayaan

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) Grains Terminal and Trading Project sa Batangas City.

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na ang bagong feed mill facility, may dalawang silos na may kabuuang kapasidad na 12,000 metric tonelada ng mais, maaaring mag-produce ng 480,000 sako ng pakain para sa mahigit na 100,000 mga baboy at halos 600,000 na manok.

“Sa pamamagitan nito, mas magiging maayos ang pag-iimbak ng ating mais. Mas magiging matibay ang ating suporta sa industriya ng poultryat saka ng livestock,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“At higit sa lahat, magkakaroon ng katiyakan ng kita ang ating mga magsasaka at ang ating mga negosyante, hindi lamang dito sa Batangas,kundi sa buong Calabarzon,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang inagurasyon ng feed mill facility ay isang patunay na ang kooperatiba gaya ng SIDC ay maaaring makipagkumpetensya sa malalaking negosyo at magtayo ng malalaking pasilidad.

“I extend my own personal congratulations being a great supporter of the cooperative movement. SIDC is one of our models at examples of how a cooperative should be run, how a cooperative helps its members, and how a cooperative helps the industry,” ang sinabi pa rin nito.

Ang SIDC, isa sa pinakamalaking agri-based cooperatives sa bansa, nagpapatuloy na binibigyang kapangyarihan ang mga magsasaka at mga miyembro ng kooperatiba mula nang magsimula ito noong 1969.

“It is expanding its initiatives to improve market access, enhance production quality and ensure sustainable livelihood for its members.

The newly inaugurated grains terminal and trading project further strengthens the SIDC’s role in the agricultural supply chain,” ang sinabi sa ulat.

Taong 2021, pinasinayaan din ng SIDC ang state-of-the-art rice mill, na may five ton-per-hour capacity para sa process rice para sa mga farming members nito. Kris Jose