MANILA, Philippines – Arestado ang isang ama sa Pasig City matapos magpaputok ng baril nang kinompronta nito ang ilang lalaki na umano’y nakasakit sa kanyang anak sa larong basketball.
Sa CCTV footage, nakita ang suspek sa isang kalsada na kinokompronta ang ilang lalaki.
Sa paglalakad ng suspek, itinulak ito ng isa sa mga kinompronta saka sinuntok at pinalo pa ng helmet.
Dito na bumunot ng baril ang ama at pinaputukan ang mga lalaki.
Nagtakbuhan naman ang mga ito sa iba’t ibang direksyon.
Tatlo katao ang nasugatan sa naturang insidente.
Samantala, agad din na tumakas ang suspek matapos ang insidente na naaresto makalipas ang 24 oras.
Anang suspek, dinipensahan lamang umano niya ang kanyang anak at nakahanda ring maghain ng reklamo laban sa mga nanakit sa kanyang anak. RNT/JGC