MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng National Police Commission (Napolcom) ang taunang neuropsychiatric test para sa lahat ng pulis matapos ang kontrobersyal na social media outbursts ni Patrolman Francis Steve Fontillas.
Ayon kay Napolcom Commissioner Rafael Vicente Calinisan, mahalaga ang mental fitness sa pagiging pulis.
Si Fontillas, na nagbanta sa International Criminal Court at Interpol bilang pagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay itinuring na isang hiwalay na kaso.
Bagamat normal ang resulta ng kanyang dating neuropsychiatric exams, inirekomenda siyang sumailalim sa espesyal na medikal na pagsusuri noong Pebrero dahil sa hindi pangkaraniwang kilos, ngunit hindi siya dumalo.
Nananatiling absent sa trabaho si Fontillas sa kabila ng hindi naaprubahang leave of absence dahil sa kakulangan ng dokumento.
Hindi rin natuloy ang nakatakda niyang neuropsychiatric exam sa NCRPO, na may magkakaibang pahayag kung bakit. Kasalukuyan siyang may limang administratibong reklamo at isang kasong “inciting to sedition” sa Quezon City Prosecutor’s Office. RNT