MANILA, Philippines – Nasabat ng mga pulis ang P1,190,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City noong Marso 19.
Kinilala ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit ang suspek bilang si “Boyet,” na nahulihan ng 170 gramo ng shabu.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina CPS custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT