Home OPINION TAXI SA NAKABABAHALANG SUNOD-SUNOD NA AKSIDENTE SA KALYE

TAXI SA NAKABABAHALANG SUNOD-SUNOD NA AKSIDENTE SA KALYE

SUNOD-sunod ang mga viral video ng aksidenteng sangkot ang mga motorcycle taxi
kaya labis ngayong nababahala ang mga suking mananakay.

Halos puro mga rider ng Move It motorcycle taxi ang sangkot sa mga naglabasang
video ng aksidente sa lansangan kaya ang sabi ay posible raw na hindi dumaan sa
wastong pagsasanay ang kanilang riders.

Ang mga paulit-ulit na aksidente ay nagsasabing ang riders ay hindi sapat ang
kaalaman sa pangangasiwa ng mga sitwasyon sa kalsada na lubhang mapanganib at
nakataya ang kaligtasan ng mga pasahero.

Tanong tuloy ng mga netizen kung ang hawak bang driver’s license ng mga rider ng
Move It ay professional o baka naman non-professional lang kaya ‘di maka-enroll ang
mga ito sa tamang training na kinakailangan ng motorcycle taxi rider.

Parang tanggap nang tanggap lang ng rider ang Move It para lumaki ang bilang at kita
nila at hindi isinasaalang-alang ang kaligtasan nang nakararami.

Ayon sa ilang netizens, unahin ng kompanya ang mga hakbang para sa kaligtasan ng
mga pasahero nang sa gayon ay mabawasan ang panganib ng kanilang stakeholders
kabilang ang riders.

Ang Move It, na nasa ilalim ng pamamahala ng ride-hailing giant na Grab, ay isa sa
mga kompanyang pinagkalooban ng pamahalaan ng provisional license to operate ng
motorcycle taxi service, kasama ang Angkas at Joyride.

Noong Mayo 2023, ibinahagi ni Move It General Manager Wayne Jacinto ang plano
pang pagdaragdag ng mas maraming rider matapos iulat ang pagtaas mula 1,000
hanggang 6,500 riders bagaman wala pang isang taon mula nang makuha ng Grab.

Nagnanais din ang kompanya na maabot ang 15,000 riders na lampas sa kanilang
inilaang tamang bilang ng riders na nagpapakita sa pangangailangan ng hindi bababa
sa 100,000 rides upang matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa serbisyo
ng motorcycle taxi.

Kaya ang konklusyon ng marami ay nais lang ng Move It ang malaking kita pero wala
silang malasakit sa mga pasahero at kanilang riders na hindi dumaan sa wastong
pagsasanay.

Patuloy umano ang pagpapalawak ng kompanya ng kanilang recruitment bilang
paghahanda sa napipintong pagpapatupad ng batas sa industriya ng motorcycle taxi na
tinatapos ng Kongreso.

Previous articleNAGNANAIS MAGING PNP CHIEF MAY MALAKING ATRASO SA BABAE
Next articleNADAMAY SI VICE INDAY