MANILA, Philippines – Handa na ang ilang telcos na ipatupad ang posibleng pag-ban sa Roblox kung iuutos ito ng gobyerno, ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Ito ay matapos makipagpulong ang CICC sa mga telco hinggil sa umano’y panganib ng gaming platform sa mga menor de edad.
Nagbigay na rin ng “ultimatum” ang CICC sa Roblox na makipag-ugnayan sa gobyerno upang tugunan ang mga umano’y ilegal na aktibidad sa app.
“Kaya binigyan na lang namin sila ng 15 days to reach out to the government… to discuss why we shouldn’t restrict their platform… Not only harmful but illegal contents online are happening within their platform,” ayon kay CICC Executive Director Usec. Aboy Paraiso.
Kung hindi sila tutugon, sinabi ng CICC na itutuloy nila ang total ban.
Samantala, nanawagan si Senador Risa Hontiveros ng imbestigasyon sa Roblox at iba pang kahalintulad na platform dahil sa umano’y ilegal na aktibidad. RNT/MND