Home NATIONWIDE Tensyon sa WPS tumataas sa ten-dash claim ng China – Teodoro

Tensyon sa WPS tumataas sa ten-dash claim ng China – Teodoro

MANILA, Philippines – Nanindigan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na lumalala ang tensyon sa West Philippine Sea dahil sa ten-dash line claim ng China sa rehiyon.

Sa pagdiriwang ng Swedish National Day noong nakaraang linggo, iginiit ni Teodoro na ”China wants us to go to the small details to forget the main message.”

”The main message is: The ten-dash-line is the provocation. And everything flows from that. They have no business being anywhere in the West Philippine Sea and other areas where we have jurisdiction,” pagbabahagi ni Teodoro sa mga mamamahayag.

Aniya, ”narratives are being whittled down to the tactical level,” na layong guluhin ang mga Filipino at ang international community sa pagtutok sa tunay na ugat ng tensyon sa WPS.

”They are trying to bait us by straying from the main points and dragging us into an action-drama debate, where we focus on minor details which stray us from the main message. Let’s stick to the message,” ani Teodoro.

Pagpapatuloy, sinabi ni Teodoro na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng hakbang upang mapangasiwaan ang tensyon sa West Philippine Sea.

Sa ngayon ay wala pang usapan sa defense level, sabay-sabing ang mga kasunduan at usapin ay dapat na bukas, at naaayon sa international law, “and uphold Philippine national interests.”

“Kailangan open and transparent, (dahil) kailangan katanggap-tanggap (sa) mga Pilipino, makatarungan, ligal, at pabor sa interes ng Pilipinas. Kung hindi, itatakwil ito,” sinabi pa ni Teodoro. RNT/JGC