Home NATIONWIDE Toxic red tide ibinabala sa 3 lugar sa VisMin

Toxic red tide ibinabala sa 3 lugar sa VisMin

MANILA, Philippines – Tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Martes, Hunyo 11, na tatlong lugar sa Visayas at Mindanao ang apektado ng toxic red tide na higit sa regulatory limit.

Ito ay ang mga coastal water ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

Sa Shellfish Bulletin na may petsang Hunyo 10 at inilabas ngayong araw, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang mga lamang dagat na nakuha sa mga nabanggit na lugar.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” ayon sa BFAR.

Sa kabila nito, ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t ito ay huhugasan at lulutuing mabuti, kasabay ng pag-aalis ng maayos sa mga lamang loob nito. RNT/JGC