Home NATIONWIDE Teodoro sa China: Maritime claim, dalhin sa int’l arbitration

Teodoro sa China: Maritime claim, dalhin sa int’l arbitration

MANILA, Philippines – Hinamon ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang China na dalhin ang sovereignty claim nito sa arbitration matapos ang naging babala nito sa Pilipinas na paghandaan ang ‘potential consequences’ sa mga aksyon nito sa West Philippine Sea.

“Kung talagang gusto nila, kung talaga siguro hindi sila natatakot na ihayag sa boung mundo ang kanilang claim, bakit hindi tayo mag-arbitrate sa ilalim ng international law para maliwanag sa lahat kung ano ang karapatan ng kahit sino? Bakit ayaw nila?” ani Teodoro.

Iginiit ni Teodoro na patuloy ang Beijing sa panghihimasok sa territorial waters ng bansa.

Kamakailan ay nagkaroon na naman ng aksyon ng China sa Pilipinas nang bombahin nito gamit ang water cannon ang resupply boat ng Pilipinas at ginitgit pa ng mga barko ng China Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas patungo sa Ayungin Shoal. RNT/JGC

Previous articleSimultaneous earthquake drills, isinagawa!
Next articleMarcial focus na ngayon sa Olympics