MANILA, Philippines – Pabor ang mga lider ng House of Representatives sa apat na buwang term extension na ginawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil.
Kapwa pinuri nina Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, at Laguna Rep. Dan Fernandez, Chairnan ng House Committee on Public Order and Safety ang epektibong pamumuno ni Marbil para mapigilan ang mga krimen at ang mas makatao at intelligence-driven na kampanya laban sa iligal na droga.
“Gen. Marbil has successfully shifted our anti-drug operations toward a community-driven and intelligence-based approach, ensuring that law enforcement is effective without the unnecessary bloodshed” ayon kay Barbers.
“His continued leadership will ensure that these much-needed reforms remain on track,” dagdag ng kongresista.
Sa panig ni Fernandez, sinabi nito na ang desisyon na palawigin amg termino ni Marbil ay katiyakan na hijdi masisira ang “momentum” at maipagpapatuloy ang nasimulan nang mga reporma.
Ang pahayag ay ginawa ng dalawang lider ng Kamara bilang reaksyon sa nauna nang nilagdaang pahayag ng mga PNP officials na nagpahayag ng suporta sa administrasyong Marcos at sa liderato ni Marbil.
Samantala, kinilala rin nina Barbers at Fernandez sina NCRPO Chief Brigadier General Anthony Aberin at CIDG Chief Brigadier General Nicolas Torre III sa uri ng kanilang pamumuno.
Si Aberin, na pinamunuan ang NCRPO mula Nobyembre 2024, ay nagpatupad ng “AAA” policing strategy, na nagbunga ng 19.61% na pagbaba sa mga krimen laban against persons and property noong Enero 2025 kumpara sa nakaraang taon.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na disiplina sa pulisya, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pananagutan ay itinuturing na susi sa pagpapatibay ng tiwala ng publiko.
Samantala, sa ilalim nama ng pamumuno ni Torre sa CIDG, nagkaroon ng mahahalagang tagumpay sa pagbuwag ng mga sindikato.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naaresto ng CIDG ang 1,159 na suspek sa mula Nobyembre 2024, kabilang ang 881 pugante na nasa most wanted list ng pulisya.
“The commendable efforts of Generals Aberin and Torre have significantly contributed to our nation’s safety,” pagtatapos pa ni Barbers.
Sa pagpapalawig ng termino ni Marbil, ipinahayag ng Kamara ang kanilang tiwala na lalo pang mapagtitibay ang mga kasalukuyang reporma, lalo na habang naghahanda ang kapulisan para sa eleksyon sa Mayo. Gail Mendoza