Home NATIONWIDE Tesla owner, driver pinatawag ng LTO sa ‘pekeng plaka’

Tesla owner, driver pinatawag ng LTO sa ‘pekeng plaka’

3
0

MANILA, Philippines — Pinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang driver at registered owner ng isang Tesla sedan matapos makitang gumagamit umano ito ng license plate na nakatalaga sa ibang sasakyan habang bumibiyahe sa Caloocan City.

Ayon sa LTO, nakunan ng larawan ang Tesla habang dumaraan sa Monumento noong Setyembre 19. Lumabas sa beripikasyon na ang plakang nakakabit sa sasakyan ay nakarehistro sa ibang behikulo.

Ipinaliwanag umano na ginagamit ang Tesla para sa isang shoot at pansamantalang ikinabit ang ibang plaka sa ibabaw ng orihinal nitong license plate.

Gayunman, sinabi ng LTO na hindi sapat na dahilan ang isang production shoot para gumamit ng plakang nakatalaga sa ibang sasakyan.

Inatasan ang registered owner at driver na humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO Central Office sa Setyembre 24 at magsumite ng sworn explanation at supporting documents kaugnay ng insidente.

Pinagpapaliwanag din sila kung bakit hindi sila dapat managot sa ilalim ng Republic Act No. 4136 kaugnay ng unauthorized use of a license plate at false representation.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, ipinag-utos ng LTO ang pagsuko ng driver’s license at isinailalim ito sa 90-araw na suspension. Inilagay din sa alarm status ang sasakyan sa kaparehong panahon.

“When the license plate is wrong, the vehicle’s identity is compromised, and we will hold those responsible accountable,” ayon kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here