MANILA, Philippines – Dadalo bukas sa panibagong arraignment ng kinakaharap na kaso si dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr sa Manila Regional Trial Court Branch 51.
Ito ang kinumpirma ng legal counsel ng dating mababatas.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, ang pagbasa ng sakdal laban sa kanyang kliyente ay gaganapin alas-dos ng hapon ng Hunyo 10.
Ngunit nilinaw ni Atty. Topacio na ang pagdalo ni Teves ay hindi pisikal kundi sa pamamagitan lamang ng ‘teleconferencing’ ito haharap.
Ang mga abogado lamang ng dating mambabatas ang siyang personal na tutungo sa korte para sa nakatakdang arraignment nito.
Kaugnay naman umano sa Degamo case ang kasong kakaharapin ni Teves sa nasabing korte kung saan siya ang itinuturong ‘mastermind’ sa likod ng madugong pagpatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden