Home HOME BANNER STORY Teves pinawalang-sala ng Manila RTC sa 2019 murder case

Teves pinawalang-sala ng Manila RTC sa 2019 murder case

209
0

MANILA, Philippines – Acquitted ng Manila Regional Trial Court si dating Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa kasong pagpatay kay Miguel Lopez Dungog, dating miyembro ng Negros Oriental Provincial Board.

Ipinahayag ng hukuman na kulang ang ebidensiya ng prosekusyon, kaya’t ibinigay ang demurrer to evidence na katumbas ng acquittal.

Kasama rin sa acquittal ang coaccused na sina Richard Cuadra at Rolando Pinili.

Gayunpaman, nananatili si Teves sa kustodiya ng NBI dahil sa iba pang kaso, kabilang ang pagpatay kay Gov. Roel Degamo at sa siyam pang iba noong Marso 2023.

Ayon sa kanyang abogado, Ferdinand Topacio, ang acquittal ay patunay na ang kaso laban kay Teves ay panliligalig lamang para usigin ang isang political opponent. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here