UNITED STATES – Pumayag ang Thailand at Cambodia na itigil ang lahat ng putukan simula nitong Biyernes, Disyembre 12, ayon kay US President Donald Trump matapos ang usapan sa pagitan ng mga lider ng bansa.
Ani Trump, nakipag-usap siya kay Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul at Cambodian premier Hun Manet “concerning the very unfortunate reawakening of their long-running war” at ang dalawa ay nagkasundo na itigil ang kaguluhan.
“They have agreed to CEASE all shooting effective this evening, and go back to the original Peace Accord,” sinabi pa ni Trump.
“Both Countries are ready for PEACE and continued Trade with the United States of America.”
Matatandaan na mula noong Lunes ay nagpapalitan ng rocket at artillery ang Cambodia at Thailand sa tensyonadong border.
Ito ang pinakamatinding bakbakan mula noong Hulyo.
Umabot sa 20 katao ang nasawi sa bakbakan ngayong linggo at mahigit 260 ang nasugatan. Libo-libo naman ang lumikas sa dalawang panig ng border. RNT/JGC