MANILA, Philippines – Inihain sa Senado ang isang bagong panukala na magbabawal at magpaparusa sa ticket scalping.
Inihain ni Senador Mark Villar ang Senate Bill 2873 o proposed “Anti-Ticket Scalping Act” dahil sa paglaganap ng ganitong aktibidad sa bansa.
Ipinaliwanag ni Villar ang pangangailangan sa regulasyon ng pagbili at pagbebenta ng ticket
“protect consumers from exploitation and guarantee fair access to events of their favorite artists or performers.”
Sinabi rin ng mambabatas na ang pagbabawal sa scalping ay kasalukuyang umiiral lamang sa piling lungsod gaya ng Pasay City at Quezon City sa pamamagitan ng local na ordinansa.
Bilang suporta sa pangangailangan sa naturang hakbang, tinukoy ng senador ang pinakahuling survey na isinagawa ng VISA na nagpakitang 38% ng mga Filipino respondent ang dumalo sa mga concert sa nakalipas na 12 buwan.
Ang Pilipinas din ang isa sa top concert at event destinations sa mundo, kung saan mayroong 154 concerts ang isinagawa sa bansa ngayong taon.
“The rising popularity and prevalence of concert scenes reflect the upward trend of the recreational appetite of Filipinos which in turn helps drive the local economy,” ani Villar.
“However, the increase of demand in events or performance and the surge of concert goers have also brought about a number of challenges, including the proliferation of tiket scalping or the practice of reselling admission tickets at an inflated or predatory price–undermining the consumers’ right to fair access to entertainment scenes and encouraging price gouging,” dagdag pa.
Ipagbabawal sa SB 2873 ang pag-aalok, hoarding, pagbebenta, pamamahagi, pagbili, at transaksyon sa admission tickets para sa entertainment events, nang walang written permission mula sa authorized event producer, organizer, at distributor, “obtaining and reselling tickets by more than ten percent (10%) higher than the face value price of the ticket.”
Ang minimum 10% markup ay susuriin din at ia-update ng implementing agencies.
Parurusahan din sa panukala ang financing, managing, o operasyon ng ticket scalping activities sa large scale. RNT/JGC