Home NATIONWIDE Tier 1 status sa US anti-human trafficking report napanatili ng Pinas

Tier 1 status sa US anti-human trafficking report napanatili ng Pinas

MANILA, Philippines- Napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 status nito sa taunang Trafficking in Persons (TIP) Report ng Estados Unidos para sa ika-siyam na taon, ipinagpapalagay na ang anti-TIP efforts ng bansa ay naaangkop sa US standards.

Ang inisyal na report ay ipinalabas ng State Department noong Hunyo 24, nakalista ang Pilipinas sa hanay ng 33 gobyerno na may Tier 1 ranking, ang pinakamataas sa three-tier placement ng report, at nagpapahiwatig na ang lokal na awtoridad ay nagsisikap para tugunan ang human trafficking.

Para mapanatili ang Tier 1 status, kailangan ng gobyerno na magpakita ng progreso kada taon sa paglaban sa trafficking.

Kailangan rin na maabot ng mga ito ang minimum standards sa pag-alis sa TIP base sa US Trafficking Victims Protection Act (TVPA).

Sa kabilang dako, hindi naman isinama sa report ng State Department ang salaysay ng bansa kabilang na ang rekomendasyon para sa mga tiyak na estado.

Samantala, pinangalanan ng State Department si Samson Inocencio Jr., vice president ng International Justice Mission Philippines (IJM) Program Against Online Sexual Exploitation of Children, bilang isa sa TIP Report Heroes ngayong taon.

Si Inocencio ay naglaan ng mahigit 20 taon para labanan ang human trafficking sa pamamagitan ng kanyang trabaho sa IJM Philippines at nakatulong na mahatulan ang 147 katao para sa commercial sexual exploitation at 220 para naman sa online sexual exploitation crimes (OSEC) simula 2005.

Matapos maging National Director ng IJM noong 2016, tumulong ito para maalis ang 544 bata mula sa sitwasyon ng commercial sexual exploitation at 1,237 mga bata na nasa panganib ng OSEC.

Tinuran ng State Department na ang pakikipagtulungan ni Inocencio noong 2016 ay isa ring instrumental sa development ng “roadmap to Tier 1” ng Pilipinas sa TIP Report.

“The Philippines has been ranked Tier 1 for eight years due to the merits of its efforts. Sam’s leadership and dedicated service have strengthened the government and civil society’s response to trafficking and protected thousands, especially children, from exploitation,” ayon sa State Department. Kris Jose