Home OPINION TIGIL PASADA NG MANIBELA LABAN SA KORAPSYON

TIGIL PASADA NG MANIBELA LABAN SA KORAPSYON

285
0

MR. PRESIDENT, Sir, pakisabihan si Assistant Secretary Markus Lacanilao na ibalik ang mga sasakyang inimpound ng mga tauhan ng Land Transportation Office noong Nobyembre 30, 2025.

Inanunsyo ni MANIBELA President Mar Valbuena na inihahanda nila ang tatlong araw na tigil pasada nila laban sa malawakang korapsyon mula December 9, 2025.

Agad naman humingi ng ceasefire ang Malacan̈ang at nakiusap na mag-usap muna ang pamahalaan at MANIBELA at isantabi muna ang tigil pasada.

Pero bakit puro pangigipit ang nararanasan ng transport sector sa ilang opisyal ng Department of Transportation?

Nangunguna dito ay ang hepe ng LTO na si Asec Lacanilao at mga bata niya sa LTO.

Hinuli at na impound ang mga sasakyang gamit ng mga raliyista papuntang Luneta noong ganapin ang Trillion Peso March Part 2.

Ang masama ay kasama ang mga pasahero na dinala sa LTO. Malinaw na ginamit nilang sandata ang traffic at transport laws para i-harrass at pigilan na makasama ang mga pasahero sa malayang protesta laban sa korapsyon.

Hindi raw inutos ni Asec. ito. Kung hindi niya iniutos bakit ayaw pa niya ibalik o i-release ang mga sasakyang inimpound?

Mr. President iutos na ninyo kay Asec ang pagbalik sa mga sasakyang gamit sa hanapbuhay ng mga drayber.

Kung hindi kayo baka pwedeng makiusap kay First Lady Liza Araneta dahil mukhang malapit siya kay Asec dahil bukod sa official portrait niyo ay naka display din ang picture ni First Lady sa opisina ni Asec kahit hindi naman required.

Suportado ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang kilos ng Manibela “KONTRA KORAPSYON” at kontra panggigipit sa sektor ng transportasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here