Home HOME BANNER STORY Tigil-putukan sa Lebanon, ipinanawagan ng DFA

Tigil-putukan sa Lebanon, ipinanawagan ng DFA

94
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Pilipinas ng tigil-putukan sa pinakabagong sagupaan sa Lebanon, habang nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lumalalang karahasan at lumubhang humanitarian situation sa bansa.

Ayon sa DFA, nagbabanta na ang kaguluhan sa marupok na dalawang linggong truce sa pagitan ng Iran at United States.

“The Philippines expresses grave concern over the escalation of conflict and the worsening humanitarian situation in Lebanon,” ayon sa DFA.

“We call for the full implementation of the ceasefire agreement pursuant to UN Security Council Resolution 1701 and urge all parties to fully abide by international humanitarian law, most notably the protection of civilians and UN personnel, including humanitarian, health and media workers,” saad pa ng ahensya.

Hinimok din ng DFA ang lahat ng panig sa sigalot sa Lebanon na itigil ang labanan at bigyang-daan ang mga diplomatikong hakbang upang maresolba ang mas malawak na tensyon sa rehiyon.

Dumating ang panawagang ito kasabay ng pinakamabigat na pag-atake ng Israel sa Lebanon, kabilang ang mga lugar na siksikan sa central Beirut, noong Abril 8.

Batay sa mga ulat, aabot sa 182 katao ang nasawi at halos 900 ang nasugatan, habang lalo ring nalagay sa alanganin ang tigil-putukan na kinasasangkutan ng Iran at US. Sinabi naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi saklaw ng ceasefire with Iran ang Lebanon at magpapatuloy ang opensiba ng Israel doon.

Samantala, sinabi ng Philippine Embassy in Beirut na wala pang napaulat na nasaktuhang Filipino sa nagpapatuloy na kaguluhan. Tinatayang nasa 14,000 Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Lebanon noong Disyembre 2025, ayon sa ulat. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here