Home NATIONWIDE Tigil-putukan sa pagitan ng Lebanon at Syria napagkasunduan

Tigil-putukan sa pagitan ng Lebanon at Syria napagkasunduan

A general view taken on May 9, 2015 shows pro-government forces in Assal al-Ward, a small regime-controlled village situated on the mountain of al-Kanissa in the Qalamun region, as Syrian army troops seized control of several hilltops in the mountainous area that straddles the Syria-Lebanon border with the support of Lebanon's Shiite Hezbollah movement. Pro-government forces have been battling rebel groups and Al-Qaeda affiliate Al-Nusra Front in the Qalamun region, which lies north of Damascus. AFP PHOTO / STR (Photo credit should read STR/AFP via Getty Images)

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Lebanon at Syria sa isang tigil-putukan matapos ang dalawang araw ng madugong sagupaan sa hangganan na ikinasawi ng 10 katao—tatlong sundalong Syrian at pitong Lebanese.

Inanunsyo nina Defense Ministers Michel Menassa ng Lebanon at Murhaf Abu Qasra ng Syria ang kasunduan, kasabay ng pangakong pagpapanatili ng ugnayan ng kanilang mga intelligence units upang maiwasan ang lumalalang tensyon.

Sumiklab ang labanan sa magulong bulubunduking hangganan matapos mapatalsik ang dating Syrian leader na si Bashar al-Assad ng mga Islamistang rebelde.

Naiulat ang 52 sugatan sa Lebanon, habang inakusahan ng Syria ang Hezbollah na pumasok sa kanilang teritoryo at pumatay ng kanilang mga sundalo—bagay na itinanggi ng Hezbollah.

Ayon naman sa isang opisyal ng Lebanon, unang tumawid sa teritoryo nila ang mga sundalong Syrian bago sila napatay ng armadong mga lokal na inakalang sila ay inaatake.

Gumanti ang hukbong Syrian sa pamamagitan ng pambobomba noong gabi, dahilan upang lumikas ang mga residente ng Lebanon. Lunes ng umaga, isinuko ng Lebanese army ang mga bangkay ng tatlong nasawing sundalo sa mga awtoridad ng Syria at nagpadala ng karagdagang pwersa sa hangganan.

Samantala, nagdeploy naman ng mga sundalo at tangke ang Syria upang maiwasan ang karagdagang sagupaan. Sa Brussels, nagpulong sina Foreign Ministers Youssef Raji ng Lebanon at Asaad al-Shibani ng Syria upang talakayin ang sitwasyon. RNT