Home NATIONWIDE TOL: Naga City, Cebu host ng PNP Maritime Command HQ sa Visayas

TOL: Naga City, Cebu host ng PNP Maritime Command HQ sa Visayas

MASAYANG nakisalamuha si reelectionist Senator Francis "TOl" Tolentino sa mga opisyal ng Liga ng mga Barangay mula sa Bacoor, Cavite matapos silang magkita-kita sa NAIA kamakailan.

CEBU CITY – Gagampanan ng Lungsod ng Naga sa lalawigan ng Cebu ang isang mahalagang papel sa pagtatanggol ng bansa sa territorial waters nito, alinsunod sa ipinasa kamakailang Philippine Maritime Zones Law (Republic Act 12064).

Ito ang sinabi ni reelectionist Senator Francis ‘TOL’ Tolentino, principal author ng RA 12064, sa isang panayam sa radyo sa Cebu City.

Ayon kay Tolentino, ginagawa na ang mga effort para sa Naga City na maging site ng Visayas regional headquarters ng Philippine National Police Maritime Command (PNP MARICOM).

“Our kababayans in Cebu will directly benefit because the PNP MARICOM in the Visayas will be based here. I was in Naga City to announce it,” ani Tolentino.

“Enhancing the PNP MARICOM will boost our efforts to address challenges in the West Philippine Sea and to protect the Visayan Sea, which is known as a major fishing ground,” sabi pa ng senador.

Ipinaliwanag ni Tolentino na ang gawain ng PNP MARICOM ay gampanan ang lahat ng police functions sa teritoryo ng bansa – sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard at Philippine Navy.

Makakatulong aniya ang PNP MARICOM na protektahan ang mga mangingisda mula sa iligal na pagpasok ng mga dayuhang commercial vessel at poachers, at mga lokal na negosyo laban sa smuggling.

Sinabi ni Tolentino na ang Maritime Zones Law ay nagtatakda ng konkretong territorial delimitation at mga hanggahan ng Republika ng Pilipinas.

“Nasa proseso na tayo ngayon ng paggawa ng updated na mapa ng ating bansa,” ibinahagi niya.

Bukod sa Cebu, ang mga lalawigan ng Mindoro Oriental at Sulu ay magiging host ng Luzon at Mindanao regional headquarters ng PNP MARICOM, ayon sa pagkakasunod. RNT